Liham Pasasalamat
Ang ating mundong ginagalawan sa kasalukuyan ay hindi
magiging posible kung hindi dahil sa ating mga ninuno. Sila ang nagtayo ng
pundasyon para sa kaunlarang ating tinatamasa ngayon. Pinaunlad nila ang iba’t
ibang bagay at kaisipan sa mundo. Gumawa sila ng kasangkapang magiging batayan
ng mga bagay sa kasalukuyan. Sila ay may natatanging kaisipan na nakatulong
upang lalong mas maging magnda ang buhay ng tao. Kaya karapat-dapat lamang na
pasalamatan natin sila. Kahit na namayapa na sila ay dapat pa rin nating
pahalagahan ang mga bagay na kanilang ginawa para sa ikauunlad ng ating mundo. Kaya
maraming maraming salamat ulit sa ating mga ninuno. Mabuhay kayo.